Friday , November 15 2024

Human trafficking sa Baguio hotel iniimbestigahan

BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ang hinihinalang kaso ng human trafficking sa isang sikat na hotel sa Camp John Hay, Baguio City.

Ito’y makaraan magsumbong ang tatlong babae sa front desk ng nasabing hotel na ginahasa at pinagamit sila ng ilegal na droga ng dalawang Arabian national.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kinuha ang tatlong kababaihan, kabilang ang dalawang menor de edad, upang maging tour guide at babayaran ng P2,000 kada araw.

Ngunit nagulat ang mga biktima nang sila ay gahasain at pinagamit ng ilegal na droga kaya nagsumbong sa management ng naturang hotel.

Sa pagresponde ng mga pulis, narekober sa loob ng kuwarto ng mga dayuhan ang isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng hinihinalang marijuana.

Napag-alaman, lima lahat ang mga dayuhan ngunit nakabalik na sa kanilang bansa ang tatlo sa kanila.

Habang dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga biktima para masuri kung sila ay nagahasa at positibo sa ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *