Thursday , December 26 2024

Handa ang Vigan o Ilocos Sur para sa Miss Universe — Gov. Ryan

00 SHOWBIZ ms mTIWALA si Governor Ryan Luis Singson na kaya ng lalawigang Ilocos Sur na i-accommodate ang mga contestant ng Miss Universe kapag ginawa na ito sa susunod na taon.

Sa meryenda tsikahan ni Gov. Singsong sa entertainment press sa kanilang tahanan sa Vigan, sinabi ng batambatang gobernador na bagamat malaking event ang Miss Universe, handa sila at sana’y sila sa mga ganitong preparasyon.

“We have few hotels naman kaya we can accommodate the contestants. Kasi we’ve been hosting other pageant na here tulad ng Miss Global at Miss Earth. So, I think we can accommodate and used to all preparations. This is a big event pero kayang-kaya po ‘yan ng probinsiya,” pagtitiyak ng pinakabatang gobernador at president ng Governor’s League.

Sinabi pa ng bunsong anak ni dating Gov. Chavit Singson na umaasa siyang mapupuntahan ng mga Miss Universe contestant ang kanilang lalawigan.

“Hopefully and we are looking forward na kahit isang pre-pageant lang dito sa Vigan kasi makatutulong iyan sa ating tourism kasi makikita iyan ng buong mundo. Malaking bagay ‘yan,” anito na tiniyak ding buong pusong suportado ng kanyang amang si Councilor Chavit ang Miss Universe.

Naibalita na natin kahapon na isa si dating Gov. Chavit sa nangangalap ng pondo para sa pagsasagawa ng Miss Universe sa ating bansa next year. Katunayan, nakabili na sila ng yate na gawa pa sa Italy at mga eroplanong gagamitin ng mga contestant.

Sinabi pa ni Gov. Ryan na, “Wala talagang manggagaling sa gobyerno. Siyempre they will get sponsors. Sino naman ang ayaw (mag-sponsor) for sure marami ang mag-uunahan. I don’t think it would be a problem. Kung maganda lang ang marketing nila wala sigurong magiging problema ‘yan.”

At kapag natuloy na nga ang Miss Universe sa Pilipinas, umaasa si Gov. Ryan na mapuntahan ang Ilocos Sur.

“I hope makasama sa itinerary ang Ilocos Sur dahil we will showcase our tourism spots here like in Vigan our heritage houses. Kami lang po sa Pilipinas ang may dalawang UNESCO World Heritage site which is Sta. Maria Church and sa Vigan nga. Siyempre ipinagmamalaki rin namin ang Dancing Fountain.

“And if they want to go around we can go show them around with our water falls, Beaches…I hope they can do here ‘yung swimsuit (competition) nila and maiso-showcase rin naming an gaming mga pagkain. At saka may mga magaganda pa naman kaming dagat ditto na hindi pa nade-develop, puwede iyong puntahan nila.”

Kilala ang Vigan sa kanilang well-preserved Spanish colonial at Asian architecture tulad ng Calle Crisologo na nakapag-dominate sa Mestizo district dahil sa kanilang cobblestone streets, malecón, horse-drawn carriages, at rustic mansions. Dito rin sa lugar na ito matatagpuan ang white baroque Vigan Cathedral tulad ng Plaza Salcedo, na mapapanood ang fountain light shows at Plaza Burgos na kilala sa kanilang street-food stalls.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdwz Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *