Friday , November 15 2024

DTI USec Dimagiba pinapapalitan, bakit?

ANO kaya ang mayroon o mali kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victor Dimagiba, at siya’y ipinasisibak este, mali pala kundi siya ay pinagreretiro na sa serbisyo?

Napaulat nitong nakaraang linggo na nanawagan ang Filipino Consumer Federation (FCF) kay DTI Secretary Ramon Lopez na palitan na si Dimagiba. Bakit? May kinalaman kaya ito sa talamak na pagkakalat ng mga substandard products kagaya ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pang construction materials sa bansa? Hindi naman siguro. Ano sa tingin ninyo?

Aba’y kung ang mga nabanggit na katanungan ang mga dahilan ng kahilingang ‘pagulungin’ na ang ulo ni Dimagiba sa DTI, napakabigat na akusasyon ito. Kaya, masusing imbestigasyon ang nararapat dito para fair naman, ‘di po ba?

Ano pa man, ang sabi daw ni FCF chair Juanito Galvez, nararapat na rin magretiro sa serbisyo si Dimagiba dahil 67 anyos na siya habang ang mandatory age retirement ay 65.

E mukhang gusto pa naman yata ni Dimagiba na maglingkod sa bayan. Sige maglingkod pa more. Sana po ito ang dahilan kung bakit hindi pa nagreretiro si Dimagiba. Wow tibay ni Sir, mukhang matatag pa ang pangangatawan kaya hindi magiba-giba ng kanyang edad. Anong vitamins n’yo sir?

Pero sa ulat, ilan sa sinasabi ni Galvez kung kaya nananagawan ang kanilang federasyon kay Lopez na palitan na si Dimagiba ay dahil minsan na raw siyang inakusahan ng mga biktima ng pyramiding scams sa kanyang kakulangan na aksiyonan ang reklamo laban sa mga kompanya na sangkot sa pyramiding.

”He was once accused by victims of pyramiding scams because of his inability to confront the pyramiding companies. A case was also filed against him in the Ombudsman by victims of Mitsubishi Montero Sport sudden unintended acceleration (SUA) for his evasive and non-committal action and is still under investigation since May 2015,” pahayag ni Galvez  base sa mga napaulat.

Ayon kay Galvez, marami na rin sektor ang nagrereklamo laban kay Dimagiba. Anong klaseng mga reklamo kaya ito? Partikular daw sa mga produktong mababa ang kalidad na maaaring maging sanhi ng panganib sa mga konsumer.

Minsan nang hiniling ni National Consumer Affairs Council (NCAC) chair Jose Pepito sa gobyerno ang mabilisang aksiyon laban sa talamak na pagkalat ng substandard cement products na itinatawag sa industriya na high-tech cement.

Kinuwestiyon ni Pepito ang “peligrosong” high-tech cement na patuloy na ibinebenta sa bansa kahit idinulog pa ang isyu ng local manufacturers sa DTI.

Nagreklamo rin si Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) President at dating Trade Undersecretary Ernesto Ordoñez sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa talamak na pagpakakalat ng substandard cement at posibleng pagkakasangkot ng ilang opisyal ng DTI dahil sa kabiguang masugpo ang naturang ilegal na aktibidad.

Samantala, napaulat din, ayon kay Dimagiba, wala pang nakararating sa kanya na anomang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman.

Si Dimagiba nga pala ay nasa DTI na noong pang PNoy administrasyon.

DTI Sec. Lopez, nasa iyo na ang bola. Bukod sa dapat siguro na inyo na rin tugunan ang reklamo laban sa substandard cement products para magkaalaman na kung sino talagang ang nagbibigay proteksyon sa pagpapakalat ng mga  palpak na produktong semento. Alalahanin po ninyo sir, ang kawawa rito ay mga konsyumer at hindi ang mga taga-DTI na nakikinabang sa mga ‘bandidong’ nasa likod ng mga ilegal na produkto.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *