Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asawa ni actor, padyokad pa rin

ISANG may-asawa nang female personality suma-sideline pa rin?

Kami man ay na-shock sa tsika na ang inaakala pa man din naming happily married na personalidad na ito ay nangungulit sa kanyang “manager” na i-book siya.

Sey daw ng bugaloo, ”Kung noon, puwedeng-puwede siyang mamresyo ng P150,000 kada booking, pero sa hitsura niya ngayon, walang mayamang magkakamaling kumuha sa kanya, ‘no!”

Ayon kasi sa booker, bumagsak na ang dating magandang hubog ng katawan ng babaeng ‘yon. Matrona na nga kung titingnan, kaya paano raw niya maibebenta ito sa rating asking price?

Pero teka, paanong naaatim ng padyokad na babaeng ‘yon na masadlak pa rin sa flesh trade gayong may asawa na siya?

“Naku,” hirit uli ng bugaling, ”kiyeme-kiyemeng may out-of-town show siya, ‘yun ang gasgas niyang dahilan sa dyowa niya kaya nakakapuslit siya ng bahay. Eto namang dyowa niya, walang kaalam-alam sa milagrong pinaggagagawa ng misis niya!”

Da who ang babaeng personalidad na itey? Ilalayo lang namin ng kaunti ang kanyang pagkakakilanlan sa alyas na Lenny Salay-salay.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …