TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa mahigit 1,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidwal ang nakaranas nang pagbaha dahil sa pagsalanta ng bagyong Carina sa Region 2.
Sa nasabing bilang, 129 pamilya ang nasa 10 evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa kani-kanilang mga kamag-anak.
Sa Cagayan, anim na bayan na may 102 pamilya o 326 indibidwal ang binaha.
Sa infrastructure, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD), sarado pa rin ang Benablañca Callao Cave road dahil sa landslide.
Hindi rin madaanan ang ilang tulay sa Cagayan dahil inabot ng baha.
Kaugnay nito, sinabi ng OCD, ang Lungsod ng Tuguegarao ay nakaranas ng torrential rain sa magdamag.
Inaasahang makababalik na sa kanilang bahay ang mga binaha dahil tumigil na ang buhos ng ulan.