Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel Ortega, na-challenge bilang kontrabida sa Born For You

00 Alam mo na NonieAMINADO si Ysabel Ortega na nakaramdam siya nang kakaibang challenge sa papel niyang kontrabida sa TV series na Born For You. Although gumanap din siyang kontrabida sa seryeng On The Wings of Love na tinampukan nina James Reid at Nadine Lustre, kakaiba at mas intense raw ang pagiging bad girl niya rito.

“Kasi iyong role ko sa OTWOL, third party siya pero hindi kasing-intense ng role ko ngayon dito sa Born For You. So, maganda po ito sa akin dahil nacha-challenge talaga ako. Marami akong nagawa rito as Nina na hindi ko nagawa sa OTWOL. Kaya sobrang masaya ako,” nakangiting esplika niya.

Pahabol pa ng alaga ni katotong Ogie Diaz, “Ako po yung third party doon, ang pangalan ko is Nina. Ako po yung ex-girlfriend ni Kevin na karakter ni Elmo.

“Abangan po sana nila lagi ang Born For You at ang tandem nina Sam-Vin (Janella at Elmo), maraming pasabog po sa serye. Pati po yung twist sa character ko rito.”

Nag-e-enjoy ka ba sa role mo ngayon?

“Para sa akin po hindi naman iyon tungkol sa role. Kahit anong role naman po ay okay lang sa akin, magiging grateful po ako kung matatanggap ako o kung magiging parte ako ng isang teleserye. So, roon pa lang ay masaya na ako at nagpapasalamat sa mga nagtitiwala sa akin.”

Ano ang payo sa iyo ni Ogie pagdating sa lovelife? “Bawal po, bawal na bawal!” Nakangiting saad ni Ysabel. “Sobrang higpit po, mahigpit na mahigpit silang dalawa ng Mama ko.

“Gusto po nila Mama ko at ni Tito Ogie na focus muna ako sa career ko. Saka na po iyong love life and masyado pa naman akong bata pa rin, seventeen pa lang po ako now,” saad pa ng anak nina ex-senator Lito Lapid at ng singer na si Michelle Ortega.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …