Monday , December 23 2024

Inaabusong party-list, korek ka diyan President Digong!

SA totoo lang, gusto natin tawagin ang party-list system bilang sistemang inabuso ang marginalized sector dahil kinawatan ng mga kinatawan ‘kuno’ ng tunay na representasyon ang mga mamamayan.

‘Yan po ang katotohanan sa ilalim ng kasalukuyang party-list system sa ating bansa.

Kung tutuusin, pabor dapat sana sa marginalized sector ang layunin ng party-list system.

Pero sa tunay na nangyayari, ang party-list system ay inabuso rin ng mga politikong bantad sa political dynasty.

‘Yung iba naman, nagsasabing kinatawan sila ng isang marginalized sector pero ang totoo pala ‘kinawatan’ ng pork barrel ang taongbayan.

Minsan rin naman tayong sumubok sa party-list system.

At diyan natin tuluyang nakita kung gaano binaboy ang party-list system lalo na diyan sa kumolek ‘este Comelec.

Sa totoo lang hindi naman dapat tanggalin o balewalain nang tuluyan ang party-list system. Ito ay alternatibong daluyan ng mga programa ng pamahalaan patungo sa marginalized sector.

Kung tutuusin nga, makatutuwang ni Digong ang party-list system para makatagos ang kanyang mga programa sa mga batayang sektor na lubhang napapabayaan ng mga regular na ahensiya ng pamahalaan.

In short, ang party-list ang puwedeng maging matibay na kaalyado ng executive branch ng pamahalaan kung ipapatupad nang tama ang sistemang ito.

Kailangan lang gawin ng Commission on Elections (Comelec) na rebisahin ang mga patakaran ukol dito. Kailangan din maging matalas ang Comelec sa katusuhan ng ilang nominees na ipinapasok ng mga party-list.

Dito kailangan magkaisa ang Palasyo at ang Comelec para tuluyang malinis ang nabubulok na party-list system.

Umpisahan na sana ng Comelec at ng Executive Branch bago pa tuluyang lamunin ng political dynasty ang party-list system.

Iligtas ang marginalized sector sa kuko ng Agila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *