Thursday , December 26 2024

Direk Anthony Hernandez, bilib kay Aiko Melendez

00 Alam mo na NonieBILIB ang advocacy film direktor na si Anthony Hernandez sa galing at professionalism ni Aiko Melendez. Ang aktres ang bida sa Tell Me Your Dreams na pinamamahalaan ni Direk Anthony.

Tampok din dito sina Raymond Cabral at Perla Bautista. Ito’y sa ilalim ng Golden Tiger Films na pag-aari nina Tess Gutierrez at Gino Hernandez. Ang pelikula ay isasali sa film festivals sa Sydney, Australia at Orange Film Festival sa Turkey.

“Eversince ay bilib na talaga ako kay Aiko Melendez, but nang nahawakan ko siya bilang director, nakita ko talaga ng personal iyong galing niya. Kasi, marami akong ipinagawa sa kanya na I think, kung medyo baguhang artista ang kinuha namin-in short kung nagtipid-baka hindi nagampanan talaga iyong gusto kong mangyari sa character ni Divina.

“Pati nga mga audience, hindi ba kapag shooting ay maraming taong nanonood? May monitor ako tapos sa eksena, alam mo pati iyong mga nanonood sa likuran ko ay nadadala sila, naiiyak sila sa eksenang ginawa ni Aiko,” esplika ni Direk.

Happy ka ba sa performance ni Aiko rito? “Yeah, very-very happy. One thousand percent na happy ako sa performance niya rito. Bilib ako sa professionalism at galing ni Aiko.

“Actually, itong Tell Me Your Dreams ay intended for national release. Especially, hinahabol namin sa World Teachers Day sa October 5. Ipapalabas namin ito, nakikipag-tie-up kami sa SM na bibigyan ng discount ang lahat ng teachers, basta ipapakita lang ang ID.”

Tribute raw ito sa mga teachers? “Yeah, tribute ito sa mga teacher. Dito sa movie ay ipinapakita kung gaano ka-heroic ang mga teachers. Ipinakikita rito kung gaano sila kahalaga at kung gaano sila nagsa-sacrifice para sa ibang mga tao.

“Kasi si Divina (Aiko), mayroon siyang asawang nasa abroad at iniwan niya ang dalawa niyang anak at nagtiyaga siyang turuan, i-educate ang mga Aetas.

“Kaya nga may dialogue sa movie na, ‘Si Divina ang naging pundasyon ng pagkatao ng mga Aetas.’ In fact, this movie, ang story nito is based on real events. Ang setting niya is 1992, pagkatapos ng eruption ng Mt. Pinatubo.”

Ano ang napi-feel mo kapag nakakagawa ka ng ganitong pelikula?

Saad niya, “Actually ang napi-feel ko is fulfillment, iba kasi na mag-educate tayo ng mga tao sa form ng pelikula. Sabi nga ng mga producers ko, ang gusto nilang gawing movie ay yung makabuluhan.

“Dumarating naman iyong tamang panahon kaya kapag nakakagawa ako ng mga ganitong pelikula, iba yung pakiramdam, e.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *