Monday , December 23 2024

Road rage killer arestado (Huwag ninyo akong tularan — Tanto)

073116 biker suspek tanto
INIHARAP sa media ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang road rage suspect na si Vhon Tanto, dating Army reservist, makaraan maaresto sa Milagros, Masbate, kamakalawa. ( BONG SON )

NASA kostudiya na ng Manila Police District ang Army reservist at suspek sa road rage killing na si Vhon Martin Tanto.

Ito ay apat na araw makaraan ang pamamaril sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil lamang sa alitan sa trapiko sa P. Casal street sa Quiapo, Maynila.

Makaraan ang police booking procedures ay ang suspek ay dinala sa Department of Justice (DoJ) para sa inquest proceedings.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng joint continue follow-up operations ng puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) kamakalawa ng hapon sa Brgy. Poblacion, Milagros, Masbate.

Sinasabing mapayapang sumuko si Tanto sa mga awtoridad.

Aksidente rin niyang nabaril ang 18-anyos college student na si Rocel Bondoc na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.

HUWAG NINYO AKONG TULARAN — TANTO

‘’SA lahat ng mga motorista, maging mahinahon po tayo. Huwag po niyo akong pamarisan.”

Ito ang sinabi ni Vhon Tanto, ang suspek sa road rage killing na ikinamatay ni Mark Vincent Geralde sa Quiapo, Maynila.

Nagalit ang publiko kay Tanto, dating Army reservist, nang lumabas ang CCTV footage na makikita kung paano niya binaril nang ilang beses si Geralde kasunod ng kanilang pagsusuntukan sa P. Casal St. nitong Lunes.

Makaraan ang ilang araw na pagtatago, si Tanto ay nahuli sa hometown ng kanyang misis sa Milagros, Masbate.

‘’Wala po akong intensyon. Nandilim lang ang paningin ko,’’ aniya.

Depensa niya, naging arogante si Geralde na nagresulta sa kanilang pagtatalo, pagsusuntukan na humantong sa pagbaril niya sa biktima.

Paliwanag niya, nagsimula ang kanilang pagtatalo nang muntik nang magbanggaan ang kanyang kotse, isang Hyundai Eon, at bisikleta ni Geralde sa Vergara St.

‘’Binaba ko ‘yung salamin sa kanang banda sabi ko, ‘Kuya pasensya ka na kasi di ko naman sinasadya at tsaka di naman tayo nagpang-abot’. Sabi ko sa kanya dapat mag-iingat kayo kasi dapat ang bisikleta, sa gilid lang. Bigla akong minura, sabi niya ‘G**o ka pala eh.’ Sabi ko, Kuya, huwag kang magmura.’ Hanggang sa patuloy pa rin ang pagmumura niya,’’ pahayag ni Tanto.

‘’Nung sinabi niya na, ‘Gusto mo basagin ko pa ang salamin mo?’ Dun na ako napikon. Tsaka may dugo na ako noon kasi may tumamang matigas na bagay sa akin. Kaya hilo hilo na ako noon.”

Aniya, sinikap niyang payapain si Geralde sa pamamagitan ng pagso-sorry ngunit patuloy aniya siyang minura.

‘’Nag-sorry na ako sa kanya, minumura pa rin ako. Nag-pang-abot na kami. Llamado siya, matangkad ba. Hanggang sa nilock niya [ang leeg ko]. Makikita naman po sa CCTV.

‘’Hindi ko masyadong maano ang hawak niyang matigas na bagay na tumama sa mukha ko kaya nahilo hilo ako. Hanggang sa ni-lock niya ang leeg ko. Nanghina ako. Binitawan na lang niya ako nung ‘di na ako kumikilos, gumagalaw.”

GEN. BATO TUTURUAN NG BOKSING SI TANTO

BINIRO ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang road rage suspect na si Vhon Tanto, na tuturuan niyang magboksing nang makitang may black eye resulta ng pakikipagsuntukan sa biktima bago ang insidente ng pamamaril.

“Tuturuan kita magboksing, ‘di ba natalo ka, nagsuntukan kayo,” pahayag ni Dela Rosa.

Gayonman, sinabi ni Dela Rosa, dapat ay matuto muna ang suspek ng ‘deep breathing’ na pantanggal ng init ng ulo at mag-isip muna bago magdesisyon na gumamit ng baril.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *