MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente.
Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm.
Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm.
Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa malaking bahagi ng Luzon.