TINIYAK ni Presidential Adviser on the Peace Proces Jesus Dureza, walang epekto sa peace process ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) sakaling bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire declaration sakaling mabigo ang mga komunista na makatugon sa ultimatum.
Sinabi ni Sec. Dureza, katunayan tuloy ang nakatakdang pagsisimula ng formal peace negotiations sa Oslo, Norway sa Agosto 20 hanggang 27.
Ayon kay Dureza, walang magiging epekto ang pag-lift ng ceasefire dahil hindi naging factor ang tigil-putukan sa planong negosasyon.
Hindi aniya bahagi nang naging kasunduan sa informal talks ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire bagkus kasama ito sa pag-uusapan pa lamang, ipa-fine-tune ang mekanismo at maglalatag ng mga panuntunan.
“It (formal peace talks) will push through on August 20-27. The lifting of the unilateral ceasefire declaration will not affect the peace talks in anyway,” ani Dureza.