Friday , April 18 2025

DTI official pinagreretiro ng konsyumers

HINIKAYAT ng Filipino Consumer Federation (FCF) si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na palitan na si Undersecretary Victor Dimagiba na sinasabing responsable sa pagkalat ng substandard products kagaya ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pang construction materials sa bansa.

“Aside from questionable actions of Dimagiba, he is already above the mandatory retirement age of 65 since he is now 67 years old,” sabi ni FCF chair Juanito Galvez. “He was once accused by victims of pyramiding scams because of his inability to confront the pyramiding companies. A case was also filed against him in the Ombudsman by victims of Mitsubishi Montero Sport sudden unintended acceleration (SUA) for his evasive and non-committal action and is still under investigation since May 2015.”

Iginiit ni Galvez na maraming mga sektor ang nagrereklamo laban kay Dimagiba dahil sa pag-aproba sa mga produktong mababa ang kalidad at maaaring maging sanhi ng panganib sa mga konsumer. Maging ang cement sector ay naaapektohan na rin ng kawalang aksiyon ni Dimagiba.

Naunang hiniling ni National Consumer Affairs Council (NCAC) chair Jose Pepito ang mabilisang aksiyon ng gobyerno kontra sa talamak na pagkalat ng substandard cement products na tinatawag sa industriya na high-tech cement.

Kinuwestiyon ni Pepito ang “peligrosong” high-tech cement na patuloy na ibinebenta sa bansa kahit na idinulog pa ang isyu ng mga local manufacturers sa DTI.

Nagreklamo si Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) President at dating Trade Undersecretary Ernesto Ordoñez sa Office of the Ombudsman tungkol sa kanilang reklamo laban sa “gross incompetence and possible criminal negligence” ni Dimagiba sanhi ng kabiguan nitong mabilis na mawakasan ang pagkalat ng mga “adulterated” o high-tech cement.

Magkasama sina Dimagiba at Ordonez nang salakayin ang planta ng hich-tech cement sa Lubao, Pampanga. Pero sa demandahan ay biglang pumanig si Dimagiba sa may-ari ng planta kaya inireklamo siya ni Ordonez sa hinalang tumanggap ng suhol.

“I believe the [DTI] plans as related to me show the same gross incompetence and possible criminal negligence exhibited during the last 10 months,” sabi ni Ordonez sa kanyang complaint letter. “During all this time, the supervising DTI undersecretary was Dimagiba.”

Isang source mula sa DTI naman ang nagbulgar na nagsimula ang hidwaan nina Dimagiba at sa nasabing asosasyon nang tanungin niya ang mga cement manufacturers na karaniwang mga miyembro ng CeMAP kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng semento sa mga pangunahing lugar sa bansa samantala inaakusahan ng cement traders ang CeMAP na kumikilos bilang isang cement cartel sa Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *