Friday , November 15 2024

Road rage suspect arestado sa Masbate

ARESTADO ng Philippine Army Intelligence units ang road rage suspect dakong 11:50 am kahapon sa Brgy. Bangat, Milagrosa, Masbate.

Ayon kay Armed Forces of the Phillipines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, naging mapayapa ang paghuli ng mga sundalo sa dating reservist na si Vhon Tanto at hindi siya nanlaban.

Si Tanto ang suspek sa pagpatay sa cyclist na si Mark Vincent Geralde sa Quiapo sa Lungsod ng Maynila kamakailan.

Patungo aniya sa headquarters ng 9th Infantry Battalion ang suspek habang hinihintay siya ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Pahayag ng heneral, gumalaw ang militar sa pagdakip kay Tanto para tulungan ang mga pulis na tumutugis sa kanya.

Mahigpit din ang bilin ni AFP chief of Staff General Ricardo Visaya na arestohin ang suspek.

Makaraan isailalim sa proseso, kanilang ibinigay si Tanto sa PNP at dinala sa Manila Police District na may hawak sa kanyang kaso.

Nilinaw ni Padilla, isang taon nang hindi nagre-report si Tanto kaya tinanggal na siya sa roster at hindi na rin tumatalima sa requirements bilang isang active Army reservist.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *