Sunday , December 22 2024

3 itinumba sa Tacloban airport iniugnay sa drugs

TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa tatlo kato sa DZR Airport sa siyudad ng Tacloban nitong Biyernes ng umaga.

Tadtad ng mga tama ng bala sa katawan ang tatlong biktimang hindi pa nakikilala.

Ayon kay Senior Supt Rolando Bade, hepe ng Tacloban City Police Office (TCPO), ang mga biktima ay isang babae, isang lalaki at isang miyembro ng LGBT.

Hindi pa malaman kung sino ang suspek sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa mga biktima dahil may nakitang karton na nakasabit sa mga bangkay na may nakasulat na “Drug pusher ako, ‘wag tularan.. Lord Patawad.”

DRUG PUSHER TODAS SA SHOOTOUT SA RIZAL

BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tanay, Rizal.

Kinilala ni Chief Insp. Bartolome Marigondon, chief of police, ang napatay na si alyas Charlie, residente ng Binangonan, Rizal. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *