Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, walang kupas bilang Hot Momma!

00 Alam mo na NonieMULING pinatunayan ni Sunshine Cruz na karapat-dapat siyang maging kauna-unahang Filipina na naging cover ng FHM Philippines. Sa ginanap na FHM Philippines 100 Sexiest Victory Party sa Valkyrie Super Club sa Bonifacio Global City, Taguig last Tuesday, July 27, minsan pang ipinakita ng aktres ang kanyang taglay na alindog at kaseksihan.

“Opening number po ako sa FHM, hahaha!” kuwento sa amin ng magandang aktres na balita namin ay may blessings ng kanyang mga anak ang pagrampa sa FHM event.

Dagdag pa niya, “It’s my first time to attend this event and I’m nervous but excited at the same time po. I hope I can lose weight that I gained from eating and not exercising due to taping sched po.”

Si Sunshine ang kauna-unahang Filipina na naging cover ng FHM Philippines.

“I was the first Pinay FHM cover noong 2000. Then noong nag-comeback ako ng 2013, I did it again po.”

Nang usisain ukol sa reaksiyon niya dahil mas napansin pa raw ang kanyang kaseksihan kaysa sa ibang mas batang celebrities, ito ang sagot ng aktres: Hindi naman. Siguro lang ay nagkataon na ako yung first FHM Pinay cover girl.”

Sakaling may offer na maging cover siya ulit ng FHM, sinabi ng aktres na hindi pa raw niya ito napag-iisipan sa ngayon. “Hard to say po. For now I haven’t thought of it.”

Narito naman ang FB post ni Sunshine bago at pagkatapos ng event:

“Last night’s stage rehearsal for tonight’s FHM event. First time to attend an FHM event. I’m excited.

“So nervous but had so much fun. Thank you FHM! ”

Kabilang sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Sunshine ang kanyang muling pag-aaral at ang pagiging bahagi ng top rating TV series na Dolce Amore na tinatampukan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS CBN.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …