Thursday , December 26 2024

Allen Dizon, excited sa unang pagsabak sa Cinema One Originals

MAY halong excitement na nararamdaman si Allen Dizon sa bago niyang pelikula. Pinamagatang Malinak Ya Labi (Silent Night), ito ay entry sa Cinema One Originals 2016. Kasama niya rito sina Angeline Quinto, Jhong Hilario, Sue Prado, Luz Fernandez, Raquel Villavicencio, Menggie Cobarrubias, sa direksiyon at panulat ni Jose Abdel Langit.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng entry sa naturang annual filmfest ang award-winning actor. Ano ang bago sa pelikulang ito?

“Of course yung casts, like si Angeline Quinto, first time ko siyang makakasama. Plus iyong director nito, si Direk Abnel first time niyang magdi-direk. Kasi usually lagi siya iyong AD (assistant director) ni Direk Joel (Lamangan) e. So, yung style naman ni Direk Abdel ang makikita rito sa Silent Night.

“Isa akong sundalo rito and everytime na sundalo or pulis ang role ko, excited akong gawin, e. Kasi, parang gusto kong maging sundalo dati, e,” saad ni Allen.

First time mong gagawa sa Cinema One, ano ang pakiramdam mo? “Natutuwa ako at siyempre ay nagpapasalamat ako sa Cinema One dahil first time kong makakagawa sa festival nila. Excited akong gawin itong pelikula dahil mga bago ang makakasama ko rito at karamihan ay magagaling.”

Ano ang kaibahan ng papel mo rito, sa mga role na nagampanan mo na?

“Bilang sundalo kasi, noong unang gumanap akong sundalo sa Lauriana, parang 70’s yung story, e, ‘tapos ay bad boy yung role ko roon. Dito, so far ay hindi naman yata ako bad boy, e. Siyempre, dapat ay ibahin natin yung pagganap ko rito sa Silent Night.”

Kabit ka raw dito sa movie? “Oo nga, yun daw ang role ko. Para minsan maiba naman, lalaki naman ngayon yung kabit. Pero, kakaiba pa rin, hindi ba?” Nakatawang saad niya. “Kasi usualy kapag may kabit ay babae iyon, e. Pero eto naman ay lalaki, kaya iba rin iyong gagawin ko rito. Bale asawa siya ng politiko, ng isang mayor.

“Kaya nakaka-excite rin, dahil everytime na may film festival dito sa atin sa Pilipinas, napapasali ako. Kaya nakakatuwa na maraming nagpo-produce ng pelikula, maraming nagtitiwala sa kakayahan na makaahon ang pelikulang Pilipino, hindi ba?”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *