MAGAGANAP ang ang kauna-unahang Siglo (Sine Gitnang Luzon Original ) Film Festival na hatid ng CL TV 36 na magaganap sa July 28.
Ayon sa spokesperson ng Siglo na si Jay At Hipolito (Siglo Executive Director), nabuo ang Siglo bilang suporta sa film industry lalo na’t nauuso na ngayon ang paggawa ng mga short films.
“Layunin din nito ang magbigay ng oportunidad sa mga estudyante mula sa iba’t ibang colleges and universities sa Central Luzon at maging sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas na ipamalas ang kanilang husay sa paggawa ng short film na kailagan ay tumatalakay sa Central Luzon.
“Mayroon kaming dalawang category— ang Pinatubo Category na ang tema ng kanilang magiging short film ay naaayon sa pagputok ng bulking Pinatubo at ang Central Luzon Category na kailangan namang nauugnay sa
Central Luzon ang tema ng short film.
“Bale tatlo ang napili mula sa Pinatubo Category ang ‘June 15, 1991’, ‘Bulyus’, at ‘Tres’.
“Samantalang lima naman ang napili sa Luzon Category, ang ‘Pangarap Ko’, ‘Digpa Ning Alti’, ‘Krokis’, ‘Anak ng Demolisyon’, ‘Lumput,’ at ‘Hangang Dito na lang;.”
Ani Jay Ar, magaganap ang one day free screening ng mga nasabing short films ngayong July 28, mula 10:00 a.m.- 2:00 p.m. sa Robinsons Starmill Pampanga na susundan ng awarding ceremony ng 3:00 p.m. sa Robinsons Starmill Pampanga at mapapanood din ang lahat ng mga naging entries sa CL TV 36 (Cable Channel).
Magsisilbing hurado sina Judge Jason Laxamana, Armando Bing Lao, at Rolly Palmes at ang nga tao sa likod ng Siglo. Ang mga prizes para sa Pinatubo Category ay P25,000 plus DSLR Camera, P20,000 plus GoPro Hero4, at P15,000 plus GoPro Hero Basic habang sa Luzon Category naman ay P30,000, P20,000, at P15,000.
MATABIL – John Fontanilla