Friday , November 15 2024

CHED, hinikayat ng KWF: Bagong batas sa filipino ipatupad

SA liham na may petsang 21 Hulyo 2016, ipinaabot ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa pamamagitan ni Tagapangulong Virgilio S. Almario, kay Tagapangulong Patricia Licuanan ng CHED ang pasasalamat sa pag-uutos nitó noong 18 Hulyo 2016 ng pagpapanatili ng pagtuturò ng anim hanggang siyam na yunit ng Filipino sa mga institusyon para sa mas mataas na edukasyon (higher education institutions) at hinikayat ang hulí na ipanatili ang ganitong patakaran kahit matanggal na ang ipinataw na TRO.

Sa nasabing liham, pinuri g KWF ang CHED sa pagdidiin na ang paglabag sa tuntunin at sa probisyon sa Temporary Restraining Order ng Korte Suprema ay may kaukulang kaparusahan.  Ito rin, aniya, ay magandang pagsisimula sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2016 at sa pagsusulong sa wikang Filipino bílang Wika ng Karunungan.

Noon pang 2014 ay iginiit na ng KWF na tupdin ng CHED ang mandato ng Konstitusyong 1987 hinggil sa wikang Filipino at itaguyod ang karapatan sa seguridad sa trabaho ng mga guro ng Filipino sa tersiyarya.  Nagsikap ang KWF na magbukas ng talakayan sa CHED at naging positibo ang tugon ng hulí nang magpasimula ito ng talakayan sa KWF.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *