HINDI kataka-taka kung marami nga ang matuwa sa isa sa binata nina Senador Bongbong Marcos at Atty. Liza Araneta-Marcos na si Sandro dahil magaling din itong makisama, malambing, at at simpatiko.
Nakaharap namin ang mag-asawang Bongbong at Liza kasama si Sandro sa thank you lunch na inorganisa ni Manay Ichu Maceda kahapon at doon ay naikuwento ni Sandro ang naging experience niya habang kasa-kasama sa kampanya ng kanyang ama na tumakbong vice presidential sa katatapos na eleksiyon.
“It’s always nice to be able to go around with my dad. That was fun to spent time with my dad,” sambit ni Sandro. “Because o f the fact na when I was 11 years old, my parents bring me to boarding school and was never really in the country and the election or the campaign process give me an opportunity to be able to travel all over the Philippines and able to see the country.”
At dahil din sa election fever ay doon nagsimulang nakilala si Sandro na mabilis sumikat hindi lang dahil sa dumami ang mga haters o basher, kundi marami rin ang natuwa sa binata.
Ani Zandro, hindi naman siya nagpa-apekto sa mga basher niya o hater.”Hindi ko naman ‘yun iniisip, I try not to let it…I was a…yeah naninibago lang ako. I was very surprise, I was not expecting it.
“You know, if you start thinking about it (bashing), we start then doing things wrong. Cheating yourself and doing what is not you. I just keep doing what I’m doing ganoon na lang and if peoples don’t like it, that’s okey with me. We should not let change yourself to be able to change the perception of others.”
Ukol naman sa pagkokompara sa kanya kay Charice Pempengco at pagsasabing kamukha niya dahil sa buhok, sinabi ni Sandro na,
“Actually, my dad’s is asking me ‘o don’t you wanna change your hair?’ Pero pinagtataanan lang namin ‘yun.
“Bakit ko ba papalitan kung kamukha ko lang? It’s not I don’t mind you know, Charice is very successful in the field she’s pursuing. I don’t see why she be a problem when comparing to somebody who is so successful?”paliwanag pa ng binata na puwedeng-puwedeng maging artista dahil sa napaka-charming.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Atty. Liza na hindi nila akalaing magiging sikat ang kanilang anak. ”Sa buong buhay namin, hindi namin naisip na si Sandro ay magiging famous kasi napaka-shy niyang bata. Kapag may nakikita lang siyang kahit tatlong tao sa bahay namin, magtatago na siya. Ngayon si Sandro sikat na ‘sana huwag lumaki ulo mo,’” sambit ni Atty. sa kanyang anak.
Sinabi naman ni Sen. BBM na, ”Totoo ‘yung sinabi ni Liza. Nagulat kami, sa mga lumalabas sa social media, nagba-viral ‘yung tungkol kay Sandro.
“In fact, towards the end of the campaign, noong nag-speech ako, usually alam ko magaling naman akong mag-speech, pero noong tinitingnan ko, walang nakatingin sa akin, kasi andoon nagpapa-picture kay Sandro.
“Sabi ko okey lang. So okey na ring mag-take over na kayo (mga anak) para kami ni Liza eh, makapagbakasyon na lang muna, magbibiyahe kami, mag-London muna kami.
“It was really nice, with our schedule na very hectic, mahirap talaga, basically hard, laging stress…it’s a big difference na one of my son or two are with me. It’s nice to have them around (in the campaign). It was really interesting to watch the response to my sons.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio