FIRST indie film ng singer/aktres na si Angeline Quinto ang Malinak Ya Labi (Silent Night). Ito ay entry sa Cinema One Original 2016 at kasama niya rito sina Allen Dizon, Jhong Hilario, Sue Prado, Luz Fernandez, Raquel Villavicencio, Menggie Cobarrubias, sa direksiyon at panulat ni Jose Abdel Langit.
Ayon kayAngeline, second career na talaga niya ang pag-arte.
“Yes po, pero gaya ng sinasabi ko nga sa lahat na siyempre ay priority ko pa rin po ang singing. So, napakalaking blessings lang po na maraming dumarating na trabaho sa akin bilang aktres.
“Ito po kasi ang first indie film na gagawin ko kaya siguro ay mas magiging challenging talaga sa akin,” saad ni Angeline.
Nabanggit din ng Kapamilya star na pangarap talaga niyang manalo ng acting award someday. “Akala ng iba ay nagjo-joke ako nang sabihin ko iyon, pero kasi dream ko talaga iyon. Actually, matagal ko nang iniidolo si Maricel Soriano pagdating sa drama at sa pagiging komedyante. Kaya siya talaga ang inspirasyon ko sa pag-arte talaga, simula noon.”
Sa tingin mo ba ay may tsansa kang manalo ng award sa darating na Cinema One 2016? “Siyempre po, siyempre ay dream ko iyon talaga e, kaya pagbubutihan ko talaga sa project na ito. Pero kung hindi man ngayon ako mananalo, marami pa namang pagkakataon na puwedeng dumating,” nakangiting saad pa niya
Pero nilinaw din ni Angeline na ang pagkanta pa rin ang mas matimbang sa kanya. “Pero iyon pa rin ang first priority ko talaga, iyong singing. Hindi ko pababayaan po iyon. Kaya kung minsan na maaaring mag-suffer iyong singing ko, ginagawan talaga namin ng paraan iyon, para hindi mag-suffer.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio