KUALA LUMPUR – Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte sa Malaysia ang siyam na Filipino kaugnay sa paglusob sa Sabah noong 2013.
Habang walong iba pa na kinabibilangan ng tatlong Malaysians ang kulong ng 10 hanggang 18 taon.
Sinabi ng abogado ng depensa na si N Sivananthan, maaari sanang hatulan ng kamatayan ang nasabing mga Filipino ngunit binabaan ng hukom ang sentensiya makaraang mapatunayan na hindi sila pumatay.
“They could have been sentenced to death but the judge decided on the lower penalty because there was no evidence they pulled the triggers or committed any murders,” ani N Sivananthan.
Kabilang sa mga hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Amir Bahar Hushim Kiram, anak ng dating Sultanate of Sulu Sultan Esmail Kiram.
Magugunitang noong 2013, nilusob ng grupo ni Kiram ang Sabah, naging sanhi ng ilang buwan standoff ng Malaysian forces at grupo ni Kiram na ikinamatay ng 70 katao.