NAGBITIW na sa pwesto ang mismong presidente ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco.
Sinabi ni Tiangco, kamakalawa pa niya ginawa ang pagbibitiw ngunit hindi ito agad tinanggap ni dating vice president Jejomar Binay.
Kaya si dating Makati mayor Junjun Binay na lang ang kanyang naging instrumento upang ipaliwanag sa dating pangalawang pangulo ang rason sa pag-alis sa partido.
Isa sa pangunahing dahilan ni Tiangco sa pagkalas sa UNA ang pakikipagkasundo raw ng grupo sa ibang partido para makuha ang ilang posisyon sa Kongreso.
Tiniyak ng Navotas solon na hindi siya sasama sa ibang political party at magiging independent na lamang.