SA unang pagkakataon, nakalapit ang ilang militanteng grupo para sa kauna-unahang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Quezon City Police District, mismong ang pangulo ang nag-utos sa kanila na hayaang makalapit ang mga militante sa Batasang Pambansa.
Pasado 8:00 am nang makalampas ang grupong militante sa Ever-Commonwealth mall habang si Bayan secretary-general Renato “Nato” Reyes ay nakarating na mismo sa Batasan.
Layon ng mga miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo na maiparating kay Duterte ang kanilang mga hinaing.
Taliwas sa mga nakaraang SONA, walang container vans para ipang-harang sa mga magsasagawa ng rally.
Gayonman, naka-standby pa rin ang mga pulis at sundalo para matiyak ang seguridad sa SONA ni Pangulong Duterte.