INALERTO ng Pagasa ang publiko sa posibilidad na maging bagong bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa West Philippine Sea.
Ayon sa weather bureau, maaaring lumakas ang naturang namumuong sama ng panahon dahil nasa loob ng intertropical convergence zone (ITCZ).
Huling namataan ang LPA sa layong 350 km sa kanluran hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.Kung ganap na magiging bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), tatawagin itong tropical depression Carina.