Friday , November 15 2024

2 itinumba sa Naga ng Bicol vigilante

NAGA CITY – Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng dalawang tao sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Naga, pinaniniwalaang salvage victims ng grupong Bicol Vigilante.

Unang natagpuan ang bangkay ng biktimang si Mike Reyes sa bahagi ng Brgy. Pacol na nakagapos ang kamay at may packaging tape. Si Reyes ay may tama ng bala ng baril sa likod at ulo.

Nasa tabi ng kanyang bangkay ang karatulang may nakasulat na, “Wag tularan ang holdaper – Bicol Vigilante.”

Samantala, natagpuan din ang bangkay ng isang Ariel Bucacao, 27-anyos, sa Brgy. Concepcion Grande sa parehong lungsod.

Nakabalot ang ulo niya sa masking tape at nakagapos ang mga kamay gamit ang tali at extension wire.

May tama ng limang saksak sa kanyang dibdib at ginilitan sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg.

Nakuha ang isang granada at iniwan sa katabi ng bangkay ang karatula na may nakasulat na “Wag tularan ang mga pusher! – Bicol Vigilante.”

Ito na ang ikaapat na biktima ng grupo na nagpakilalang Bicol Vigilante.

TULAK ITINUMBA SA MAYNILA

PATAY ang isang 38-anyos lalaki makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek sa Parola Compound, Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Genesis Labiana y Ibay, 38, residente sa Apex Compound, Brgy. 20, Zone 2, Parola Compound.

Nakuha sa kamay ng biktima ang apat sachet ng shabu na nakabalot sa isang pirasong P20 bill.

( LEONARD BASILIO )

DRUG PERSONALITY NIRATRAT SA CALOOCAN

PATAY ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga makaraan pasukin at pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ruben Andrade, ng San Vicente, Brgy. 178, Kiko Camarin.

Ayon kay Caloocan deputy police chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario, dakong 2:30 pm nang pasukin ang biktima ng hindi nakilalang lalaki at siya ay pinagbabaril.

( ROMMEL SALES )

TULAK BINANATAN SA BARANGAY HALL

NAUNSIYAMI ang planong pagbabagong buhay ng isang notoryus na tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki habang palabas ng barangay hall kahapon sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Rommel Natividad, 42, sinasabing kilalang tulak sa kanilang lugar at residente ng 1323 Sawata Area 1, Brgy. 35 ng nasabing lungsod.

Habang kritikal ang kalagayan sa Caloocan City Medical Center ng estudyanteng si Mark Louis Villaflor, 14, residente ng Bagong Sibol St., nang tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 12:48 sa J.P. Rizal St., Brgy. 35, Maypajo ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nagtungo si Natividad sa barangay hall upang sumuko.

( ROMMEL SALES )

EX-POLICE PATAY SA BUY-BUST OPS SA NAGA

NAGA CITY – Patay ang isang dating pulis nang lumaban sa mga awtoridad sa anti-illegal drug operations sa Lungsod ng Naga kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Noel Balla, 36-anyos.

Ayon sa ulat, nakatakda sanang dalhin sa himpilan ng pulisya ang nasabing suspek ngunit sinabing lumaban sa mga pulis.

Bunsod nito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinamatay ng suspek.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang plastic sachet ng shabu at isang calibre .38 baril.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *