Friday , November 15 2024

EO sa FOI pirmado na!

00 Kalampag percyMARAMI na tiyak ang hindi makakatulog nang mahimbing matapos lagdaan ni President Rody ang Executive Order (EO) na magpapatupad ng Freedom of Information (FOI) sa lahat ng ahensiya na saklaw ng ehekutibo.

Siguradong mapupuyat nang husto ang mga dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil puwede nang halungkatin ang mga naging transaksyon nila sa nakalipas na anim na taon.

Sa panayam natin kamakailan kay dating PCSO chairman Manoling Morato, ikinuwento niya ang ilan sa mga alingasngas ni Margie Juico  noong administrasyong Ramos.

Gaya na lang kung bakit ilang beses na lumipat ng tanggapan ang PCSO na dati’y nasa isang gusali lang Quezon Institute (QI) compound.

Nabatid natin na may 50 taon kontrata ang PCSO at Philippine Tuberculosis Society (PTS) noong 1997 para sa 6.6 hectares at isang gusali na puweng okupahin ng lahat ng tanggapan ng PCSO na may 1,500 kawani.

Nakapagtataka dahil ang upa ng PCSO sa QI ay P2.3 milyon kada buwan pero kasya na silang lahat doon samantalang sa PICC ay P9-M bawat buwan pero 500 empleyado lang ang puwede.

Maging ang Child House ni Ricky Reyes kung saan inaalagaan at inaaruga ang mga batang may cancer ay pinalayas din ni Juico.

Iyon pala’y gustong ibenta o ipaupa ni Juico ang QI property ngunit hindi umubra dahil idineklara ito bilang historical site ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang building dahil ang penthouse sa tuktok ang dating pahingahan ni Pres. Manuel L. Quezon nu’ng maysakit na siya.

Natalo si Juico sa demanda sa kanya ng PTS dahil sa tangkang pagbebenta ng ari-arian kaya hanggaang 50 years ay nagbabayad ng 2.5-M ang PCSO.

Kaya maliban sa inuupahan ngayon ng PCSO sa Shaw Blvd at Lung Center ay nagbabayad pa rin ito ng renta sa PTS.

Hindi ba’t malaking katiwalian ang iniwan ni Juico sa PCSO?

Kaya siguro hindi na inantay ni Juico na matapos ang termino ni Aquino ngayong 2016 at lumayas agad sa PCSO.

Salamat sa FOI ni Pres. Rody, puwede na nating panagutin ang mga tulad ni Juico sa gobyerno, pati na ang mga opisyal sa lokal na pamahalaan.

Tiyak na magiging abala ang Office of the Ombudsman dahil matatambakan sila ng aatupaging kaso.

‘TUMBAHAN’ SA CUSTOMS

NAGBABALA si Customs Commissioner Nicanor Faeldon na papatayin ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BoC) kapag nahuli niyang nagnanakaw.

Ito na lang ang nakikitang paraan ni Faeldon para matuldukan ang katiwalian sa tinaguriang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Wala namang kokontra kay Faeldon sakaling gawin niya ito dahil kailangan talaga ng kamay na bakal para mapatino ang Customs.

Kailangan lang mag-ingat si Faeldon sa mga nagpapanggap na sumusuporta sa adbokasiya niya kontra-korapsiyon dahil parang mga ahas lang sila nagpalit ng balat, partikular sa isang grupo na samahan sa media ang prente.

Sila rin ang mga kasabwat ng mga gustong itumba ni Faedon.

Sila ang mga smugglers with press ID na kunwari’y maaamong tupa na umaaligid kay Faeldon.

Walang pagsisisi sa una, kaya huwag na sanang hintayin ni Faeldon pagkakataon na sa huli ay manghihinayang kung bakit nagpauto sa kanila.

P50-M DRUG MONEY IPOPONDO PARA ILUSOT SI ERAP SA COMELEC?

KUMAKALAT na parang apoy ang balita na umabot sa P50 milyong drug money raw ang nakalaan para pumabor kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang desisyon ng Comelec.

Inaabangan ng mga matitinong Manileño na makamit ang hustisya sa nakaraang halalan dahil si Mayor Alfredo Lim ang talagang nanalo at hindi si Erap.

Alam naman ng lahat na naging talamak ang illegal drugs at iba pang illegal na gawain sa nakalipas na tatlong taon sa Maynila kaya malaking halaga ang kinita ng drug syndicates at narco politics.

Hindi nila panghihinayangan kung gumasta man sila ng milyones para sa isang politiko upang mapanatili ang kanilang mga illegal negosyo.

PR NG “DRUG SYNDICATES” VS. DUTERTE LUMALARGA

MAY intelligence information pa na ilang “corrupt journalists” ang kinausap na rin ng PR group ng drug syndicates para pabanguhin ang imahe ni Erap.

Kasabay raw iyan nang pagsira sa kampanya ni President Rody laban sa illegal drugs, corruption at kriminalidad.

Para hindi mahalata, ang gagamitin nilang behikulo ay ang pagkontara sa extrajudicial killings.

Ilan sa kinontak ng PR group ay ang mga mamahayag na naka-payola sa ilang corrupt officials sa nakalipas na administrasyon.

Sila iyong mga galit na galit sa pagkakasara ng gripo ng korapsyon sa pag-upo ni Pres. Rody sa Palasyo.

Madaling mahalata ang diskarte nila, paborito nilang topic ang pagbatikos sa serye ng patayan dahil sa illegal drugs, lalo na ang palitan ng akusasyon ng administrasyong Duterte at ni Sen. Leila de Lima.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *