ISASAMA na rin ng Duterte administration ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies sa mga tataasan ang sahod kasama ng mga pulis at sundalo.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahang matitikman ng law enforcers ang umento sa sahod ngayong taon.
Ayon kay Duterte, umaapela siya sa mga tauhan ng PDEA at NBI na bigyan siya nang sapat na panahon para makakalap ng pondo para sa umento sa sahod dahil uunahin muna niya ang mga pulis at sundalo.
Paliwanag ni Duterte, kalagitnaan na ng taon nang maupo siya sa puwesto kung kaya aayusin at pagkakasyahin na lamang muna ang natitira sa national budget.
“We will go ahead with the increases of the soldiers of the police and the military and that would include the PDEA and the law enforcement agencies such as the NBI. This will take effect this year. Dahan-dahan lang tayo kasi kung wala masyadong pera,” ani Duterte.