PINAMAMADALI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar ang pagpasok at pakikisali sa giyera laban sa ilegal na droga sa bansa.
Sa command conference kamakalawa ng gabi sa Western Mindanao Command (WestminCom) sa Zamboanga City, sinabi ni Pangulong Duterte, kulang na kulang ang mga pulis na ikakalat laban sa namamayagpag na illegal drugs trade.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa napapatay o naaaresto ang ‘big-time drug lords’ na nasa loob din sa hanay ng gobyerno.
Halatang gigil at nagpipigil si Duterte na pangalanan ang sinasabi niyang ‘malalaking isda’ sa illegal drugs trade at nais niyang matalakay ito sa mga sundalo sa isang pribadong meeting.
“But alam ninyo, you will have to come in very fast. We are stretched thin. Wala akong pulis na ilatag ko diyan in every nook and corner tapos ang shabu, it’s rampaging. I said beyond our reach ‘yang problema dyan eh. Do not look for the— magsabi sila na: ‘Where’s the big fish. Bakit, maliliit lang?’ ‘Wala, private lang ito lahat,’ ‘andyan na halos lahat’… ‘It’s orchestrated.’ ‘Pati itong meeting na ‘to walang monitor,” ani Duterte.