NANGANGANIB na masibak sa puwesto ang a non-performing chiefs of police sa buong bansa.
Anim linggo lang ang ibinigay na palugit sa mga matataas na opisyal ng PNP upang mag-perform at magpakitang gilas sa kampanya laban sa illegal drugs at krimen.
Ayon kay PNP-Directorate for Operations, Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan, sisibakin ang mga mahina ang performance sa ilalim ng Project Double Barrel.
Sinabi ni Cascolan, target ng taning na anim na linggo ang mga chief of police at provincial directors ng malalaking bayan, lungsod at probinsiya.
Habang dalawang buwan sa deputy regional directors at tatlong buwan para sa regional police directors.
Sa record ng Directorate for Operations, may 240 nang napatay sa anti-drug operations at mahigit 120,000 ang sumuko na drug users at pushers.