Friday , November 15 2024
ronald bato dela rosa pnp

Marami pang drug lords mapapatay — Gen. Bato

TINIYAK ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa nitong Biyernes, marami pang high-value drug suspects ang mamamatay sa darating na mga araw.

Sinabi ito ni Dela Rosa makaraan mapatay sa raid sa Valenzuela City umaga nitong Biyernes ang Chinese na si Mico Tan, itinuturing na isa sa top drug lords sa bansa.

“…Palagi tayong kini-criticize na … street pushers lang daw ang namamatay. Ngayon ito na, nakita ninyo, malaking drug lord—patay rin, ‘di ba?” pahayag ni Dela Rosa.

“Huwag kayong magmadali at marami pa tayong mapapatay diyan na high-value target. Hintayin lang ninyo,” ayon kay Dela Rosa.

Aniya, malaking drug personality si Tan na walong taon nang nag-o-operate sa bansa.

“Very big, very big. He must be operating here in the Philippines around eight years already. He was responsible for that shabu laboratory in Metro Manila. Ngayon patuloy pa rin ang kanyang ginagawa,” dagdag ni Dela Rosa.

Kauna-unahan aniyang drug lord si Tan mula sa mainland China, ngunit pangalawa lamang siya kay Jaguar kung lawak ng operasyon sa buong Filipinas ang pag-uusapan.

Paiimbestigahan ni Dela Rosa ang mga aktibidad ni Tan at kung bakit mayroong sako-sakong mga ilegal na kemikal sa kanyang warehouse sa Valenzuela.

Napatay si Tan nitong Biyernes habang nakikipaghabulan at nakikipagbarilan sa mga pulis.

CHINESE DRUG LORD PATAY,
5 ARESTADO SA SHABU LAB

072316 shabu lab arrest

PATAY ang isang Chinese national habang lima pa ang naaresto ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Mico Tan, nasa hustong gulang, residente ng 21 Pinagbayanan St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod.

Habang arestado ang limang iba pang kinilalang sina Xiong Bo He alyas Jerry Ho, 45; Xiao He, 41; Hao He, 20; Bea Payas, 41; at Yinglie Xu alyas Henry Co, 39, pawang naninirahan din sa naturang lugar.

Napag-alaman, dakong 4:30 am nang magkaputukan ang napatay na suspek at mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.

Bago ito, armado ng warrant of arrest, sinalakay ng mga tauhan Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force (AID-SOTF) ng Camp Crame ang shabu laboratory sa isang bodega sa Santiago St., Brgy. Lingunan.

Nahuli sa operasyon ang limang chinese national at nakuha sa shabu laboratory ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng ng shabu, aabot sa ilang milyong piso ang halaga.

Gayonman, mabilis na sumakay si Tan sa kanyang Honda Civic at tumakas ngunit nakahingi ang mga awtoridad ng responde sa HPG na agad humabol sa suspek.

Nang maabutan ay nagpaputok ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Nakuha sa pag-iingat ni Tan ang isang backpack na naglalaman ng anim plastic ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa milyon-milyong piso ang halaga.

Napag-alaman sa mga awtoridad, si Tan ay kilalang operator ng shabu laboratory sa Naic, Cavite at siya rin sinasabing ang nagpapatakbo ng isa pang laboratoryo ng droga sa Scout Chuatoco sa Quezon City.

( ROMMEL SALES )

KONTAK NANG NATIMBOG NA BEBOT
SA MACTAN AIRPORT TUKOY NA

072116 shabu MCIA chinese

CEBU CITY – Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 ang pangalan ng ilang mga personalidad na naging kontak ng babaeng Chinese na nahuli sa Mactan Cebu International Airport na may dalang P6 milyong halaga ng shabu.

Ayon kay PDEA-7 information officer Lea Alviar, may ilang Filipino at ilang Chinese sa Cebu ang babagsakan ng nasabing droga.

Ngunit nakiusap si Alviar na hindi muna ibunyag ang mga pangalang nasa kanilang listahan.

Napag-alaman, maglalabas ng commitment order ang korte para ilipat sa Lapu-Lapu City jail si Liming Zhou.

Kamakalawa ay isinailalim na sa inquest proceedings ang naturang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *