Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jay-R, muling binigyan ng puwang ang talento sa pagkanta

#JAYRFREED!

Muntik ngang makulong sa kadena ng hustisya ang singer na produkto ng Pinoy Dream Academy na si Jay-R Siaboc nang masama sa watch list ng umano’y pusher ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang pangalan.

Kaya agad itong nagtungo sa police station nila sa Toledo City sa Cebu para klaruhin ang pangalan niya. At tumulong din ang mga kaibigan niya gaya ni Gio Anthony Medina para rin maiparating ang balita tungkol sa nasabing pagkaklaro rito. Lumuwas si Jay-R kasama ang mag-inang Tricia at Hailey at nabigyan ng pagkakataong ilahad ang pangyayari sa iba’t ibang programa.

At dahil hindi naman nabago ang tinig ni Jay-R bumukas ang mga pagkakataon para muli itong mabigyan ng puwang sa muling pagbabahagi ng talento sa mundong una niyang pinasok.

“At gusto ko rin pong linawin na hindi ko ginagamit ang pagkakataong ito para lang makabalik. Dinaanan ko po ang madilim na parte ng buhay ko. Kaya hindi ko naman itinanggi na sa pagkakataong ‘yun na naging mali ang mga desisyon ko, kumapit ako sa paggamit ng droga. Na tinanggal ko nang dunating na sa buhay namin ang anak ko. Kaya kahit naging mahirap ang pagharap sa buhay, sumasala sa oras, napuputulan ng koryente, nagkukulang sa panggastos, ang boses ko pa rin po ang sumasalba sa amin sa mga gig na nasasalangan ko noon. Nagkaroon ako ng banda tapos nagsosolo-solo rin. Kaya nagke-KBL din ako. Kumakanta sa kasal, binyag at libing. Basta kikita para sa pamilya ko.”

At dahil intact pa rin naman ang naingatang boses, nagkatukan na rin kay Jay-R ang panibagong mga oportunidad. Isa na ang pasabi ng Star Magic Boss na si Mr. M (Johnny Manahan) na nasa Amerika pa nang makipagkita si Jay-R sa kanya pagbalik niya from abroad.

At para rin magkaroon ng kabuhayan showcase si Jay-R, isang proprietor certificate na ipinagkaloob sa kanya ng Javanillax Ventures Company ninaJoanna Vanessa Parinas, Vanessa Gabia, at Jen de Rosales, para makapag-franchise ng Barako Frappe.

Nakatuon na sa panibagong simula at lumaya na si JayR sa kanyang madilim na kahapon!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …