Monday , December 23 2024
road traffic accident

1 patay, 7 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin sa CamSur

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang pitong iba pa nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang jeep sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Roberto Maco, 43; habang sugatan sina Ruby Sebuguero, 52; Vilma Villareno, 42; Ynez Villareno, 40; Milagros Pana, 39; Amy Sebuguero, 36; Domingo Roldan at Rufo Rosales.

Habang binabaybay ng pampasaherong jeep na minamaneho ng ni Rico Bropas, 38, ang kalsada sa Brgy. Ayugao sa nasabing bayan nang mawalan ito ng preno.

Bunsod nito, nahulog sa bangin ang pampasaherong jeep at naipit si Maco na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Habang nasugatan ang pitong iba pang mga biktima na isinugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *