NAGHAHANDA na ang Duterte administration sa pakikipag-usap sa mga Moro para sa pagbubuo ng panukalang batas na magpapatupad sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Kahapon, nakipagpulong si Peace Adviser Jesus Dureza kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al-haj Murad Ebrahim sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat.
Ang hakbang ay kasunod nang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘peace roadmap’ na isinumite ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
Layon ng kauna-unahang pulong na maikasa na ang pagbubuo ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na kinabibilangan ng walong kinatawan ng MILF at pito mula sa ibang Muslim groups.
Una nang tiniyak ni Dureza, ‘committed’ ang Duterte administration sa pagpapatupad ng naunang mga kasunduan sa MILF.