Friday , January 10 2025

2,700 drug user, pushers sumuko sa Caloocan at Valenzuela

072216 oca malapitan drugs
PINANUMPA ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang mahigit 1,000 sumukong drug users at pushers na nangakong hindi na gagamit ng ipinagbabawal na gamot at ganap na magbabagong buhay sa isinagawang mass surrender sa Buena Park covered court, UE Subdivision na dinaluhan ng mga opisyal ng bawat barangay sa nasabing lungsod. ( RIC ROLDAN )

UMABOT sa kabuuang 2,700 users at pushers ng ilegal na droga ang sumuko sa Caloocan City at Valenzuela City kaugnay sa kampanya ng pamahalaan na walisin sa bansa ang naturang ‘salot’ sa lipunan.

Sa Caloocan City, tinatayang 1,500 tulak at user ang nagtungo kamakalawa sa Buenapark covered court at nagparehistro sa pulisya kaugnay sa kanilang pangakong pagbabagong buhay.

Nanumpa at pumirma sila sa manipesto na hindi na babalik sa masamang gawi at makikipagtulungan sa pulisya para madakip ang bigtime suppliers ng ilegal na droga.

Ayon kay Caloocan city police commander, Senior Supt. Johnson Almazan, kanilang babalikan ang bawat isa sa mga sumuko kapag hindi itinuloy ang pakikipagtulungan sa kanila sa kampanya upang matukoy ang mga pinagkukunan nila ng droga.

Habang tinawag ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na “walang kuwenta o walang sinabi” ang mga barangay chairman sa kanilang lungsod kung hindi nila kilala ang mga tulak at user ng droga sa kanilang nasasakupan, at nanawagan na sila ang dapat nangunguna sa kampanya kontra droga.

Sa Valenzuela, sinabi ni Police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza, nasa 1,200 ang sumuko sa pulisya at 970 sa nasabing bilang ay sumailalim sa drug test na ginastusan ng Valenzuela City Government.

Hindi kakasuhan ang mga sumuko kabilang ang 80 umamin na tulak dahil sa nagsisilbi aniyang amnestiya ang pagsuko nila.

 ( JUN DAVID )

2 TULAK UTAS  SA PARAK

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan pumalag sa mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City at Valenzuela City.

Sa Valenzuela City, kinilala ang suspek na si Gerald Dela Cruz, 21, ng Phase 1, Package 3, Block 54, Brgy. 176, nakompiskahan ng isang sachet ng shabu.

Batay sa ulat ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, dakong 12:30 pm nang nadakip ang suspek sa isinagawang ”Oplan Tokhang” sa Bagong Silang, sa nabanggit na lungsod.

Nang dalhin sa Station Anti-Illegal Drugs ng PCP-3 ang suspek, bigla niyang inagaw ang baril ni PO1 John Rey Dela Cruz at dalawang beses na nagpaputok ngunit walang tinamaan.

Agad nagbunot ng baril si PO1 Jordan Alcova at pinutukan si Dela Cruz na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Habang sa Valenzuela City, napatay rin ang isang Henry Francisco, ng Bagong Nayon Compound, Brgy. Bagbaguin.

Batay sa ulat  ni Northern Police District (NPD) Director Senior Supt. Roberto Fajardo, Mendoza, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong 12:00 am kahapon.

Ngunit nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya nagpaputok ngunit walang tinamaan. Gumanti ng putok ang pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Francisco.

     ( ROMMEL SALES )

TOP 7 TULAK SA KYUSI TIGOK  SA SHOOTOUT

HINDI na umabot nang buhay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang tinaguriang top 7 drug pusher na kumikilos sa buong Cubao area sa Quezon City, makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na si Sherwin Sabuyas, ng 18th Avenue, Murphy, Cubao.

Kahapon dakong  2:30 am sa kanto ng Cambridge St., at Aurora Blvd, Cubao, sa isinagawang buy-bust operation ay bumunot ng baril ang suspek ngunit naunahan siyang paputukan ng mga pulis.

( ALMAR DANGUILAN )

1 biktima ng salvage
3 PATAY SA BUY-BUST  OPS SA MAYNILA

TATLONG lalaki ang namatay sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District, habang isa ang natagpuang patay na hinihinalang biktima ng salvage o summary execution sa magkakahiwalay na lugar, sa Maynila.

Ayon sa MPD-Homicide Section, ang dalawang napatay ng mga tauhan ng MPD-Station 1 sa buy-bust operation ay kinilalang sina PO3 Bobby Oret, AWOL na pulis, at Danilo Guevarra alyas Kuba, dakong 2 a.m. sa Building 13,Temporary Housing, Vitas. Tondo, Maynila.

Habang isang hindi nakilalang lalaki ang natagpuang may tama ng bala dakong 1:50 a.m. sa kanto ng Bambang at Quiricada Streets, Tondo.

Samantala, dakong 6:30 pm kamakalawa, nang mabaril at mapatay ng mga awtoridad ang sinasabing tulak na si Eric Caliclic, 37, residente ng Muelle dela Industria St., Binondo sa buy-bust operation sa Delpan Bridge, sa Delpan St, Binondo.

(LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *