Saturday , November 16 2024

FVR kay Digong: Magkaisa tayo!

NANAWAGAN si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos (FVR) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagkakaisa at wakasan na ang pagkakahiwa-hiwalay sa hanay ng pamunuan sa pamahalaan para makamit ang tagumpay at pagbabagong inaasam para sa kaunlaran ng Filipinas.

Sa Kapihan sa Manila Bay breakfast forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ng retiradong heneral at dating punong ehekutibo na mahalagang mapagkaisa ng dating alkalde ng Davao City ang kanyang Gabinete at maging ang dalawang kapulungan ng Kongreso at iba pang opisyal ng gobyerno.

“Dati tayong tinitingala sa Asya at nasa upper half tayo sa hanay ng mga bansa sa United Nations, pero ngayon nasaan tayo?” tanong ni Ramos sa paghahayag ng kanyang opinyon habang nakatayo sa isang upuan para bigyang diin ang kanyang ipinapaliwanag.

Nagpahayag ng optimism ang dating pangulo sa liderato ni Duterte dahil nakikita niya umano ang resulta ng mga pahayag ng dating alkalde na ngayo’y nagbubuklod sa lahat ng sector ng lipunan para labanan ang korupsiyon at kriminalidad.

Binanggit din ni FVR ang pakikipagsanib ni Vice President Maria Leonor Robredo sa administrasyong Duterte sa pagtanggap sa posisyon bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

“Magandang senyales ito dahil naghuhudyat ng pagkakaisa para sa Team Philippines, lalo na sa hinaharap nating usapin sa West Philippine (South China) Sea na kinasasangkutan ng Filipinas at China at iba pang bansang may kinalaman sa territorial rights sa rehiyon,” anito.

Gayonman, hindi tiniyak ng datong pangulo   kung tatanggapin niya ang inalok sa kanya ni pangulong Rodrigo Duterte na maging special envoy to China sa inaasahang pakikipagpulong ng Filipinas sa China ukol sa usapin ng territorial rights sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine (South China) Sea. ( TRACY CABRERA )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *