TUTULONG ang gobyerno ng China sa paghuli at pagpapatigil ng ilang Chinese nationals na may kinalaman sa illegal drug trade sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni DILG Sec. Mike Sueno kasabay ng pagbisita niya kahapon sa probinsiya ng South Cotabato at nanguna sa mass oath taking nang higit 3,000 drug surenderees.
Bukod dito, makikipag-ugnayan din aniya ang China sa Filipinas ukol sa pagbibigay ng intelligence reports para mapabilis ang paghuli ng kanilang mga mamamayan na nag-o-operate ng droga sa Filipinas.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipararating niya sa gobyerno ng China ang mga mamamayan nito sa Filipinas na sangkot sa illegal drug trade ngunit hindi pa man nangyayari ay may sagot na ang pamahalaan ng China.