KINOMPIRMA ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na halos 100 porsiyento ng Metro Manila ang may problema sa ilegal na droga.
Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 1,706 barangays sa Metro Manila o 92 porsiyento ang apektado ng ilegal na droga.
Sinabi ni Albayalde, dahil sa laki ng populasyon, ang lungsod ng Maynila at Quezon City ang may pinakamalaking problema sa illegal drugs.
Aniya, ginagawa na ng pulisya ang lahat para paigtingin pa ang kanilang anti-illegal drug campaign lalo na sa barangay level.
Habang kompiyansa si Albayalde na nami-meet nila ang kanilang target na sa loob ng anim buwan ay mareresolba na ang problema sa droga.
Binigyang-diin ng heneral, sa nangyayaring developments ngayon ay walang duda na kaya nilang maresolba ang problema sa ilegal drugs.