Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Pagpapa-opera ni Nora, matuloy pa kaya?

TITA Maricris, hindi maipaliwanag sa amin ni Ismaelli Favatinni kung bakit hanggang ngayon, kalahatian na ng July, hindi pa rin umaalis si Nora Aunor para magpa-opera ng kanyang lalamunan. Inaasahan ng  fans na magpapa-opera na siya para makabalik siya agad at makagawa ng bagong recording o makapag-concert man lang dahil baka iyon na ang makapag-resurrect ng kanyang career.

Hindi nagawang ibangon ng kanyang acting at pakurap-kurap ng mata ang kanyang popularidad. Hanggang indie na lang siya na puro naman naging flop. Iyong isa pa nga straight to TV na lang iyong pelikula na ang intensiyon noong una ay ipalabas pa sa mga sinehan.

Sinasabi nga nila, “kumanta lang ulit si Nora ok na iyan”. Eh kailan nga ba magpapa-opera roon sa sinasabing doctor na umopera rin kay Julie Andrews para malaman na natin kung talaga nga bang makakakanta pa siya? Masyado nang matagal eh. Ilang taon na ba siyang nakabalik sa Pilipinas?

O baka naman ang iniisip ni Nora, tutal naman 63 na siya, ilang taon na rin lang ang ilalagi ng kanyang career, eh milyon nga siguro ang kailangan sa kanyang operasyon. Eh hindi ba may nagbigay na naman sa kanya ng pampa-opera noon pa? Kumita rin naman siya kahit na paano. Kung hindi niya gagawin iyon, ano nga ba ang laban pa niya roon sa AlDub, JaDine, at saka roon sa KathNiel na sikat pa naman kahit na  paano.

Lalo na ngayong mukhang ayaw nang mag-artista ni Ate Vi (Vilma Santos), matatapos na ang era nila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …