TIYAK na kaaadikan na naman ng mga manonood ang bagong teleserye ng ABS-CBN, ang The Greatest Love.
After a long while kasi ay ito ang masasabing pinaka-pinagbibidahan ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez. Playing Gloria na nagkaroon ng dementia o memory loss, pagmamahal ng isang ina sa kanyang apat na anak ang kuwentong nakapaloob sa material mula sa batikang playwright na si Ricky Lee.
Ayon mismo kay Lee, naging madali raw para sa creative team to choose who’d play Gloria. Ang hinahanap kasi nilang karakter—na swak na swak kay Ibyang (tawag kay Sylvia)—ay ‘yung pinaghalong matigas at vulnerable. Sa madaling salita, dapat taglay ng bida ang mga magkakasalungat na katangian.
Wala namang mapagsidlan ang tuwa ni Sylvia, herself a doting mother to her kids kung paanong isa rin siyang mabuting anak sa kanyang ina. Ito ang itinuturing niyang sikreto kung bakit kinakasihan siya ng magandang kapalaran sa buhay,”Naniniwala kasi ako na kapag mabuti kang anak, may nakalaang magandang kapalaran sa ‘yo,” aniya.
Kasama rin sa cast sina Rommel Padilla, Dimples Romana, Matt Evans, Aaron Villaflor at Andi Eigenmann. Megastar Sharon Cuneta sang its theme song.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III