Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It’s Showtime, umaariba bilang number one noontime show sa bansa

MAS lalo ngang tinututukan at inaabangan ng mga manoood ang good vibes na hatid ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime kaya naman patuloy din ang pamamayagpag nito sa national TV ratings. Noong Sabado (July 16), pinanood ng sambayanan ang sorpresang paglabas ng Queen of Soul na si Jaya bilang pinakabagong hurado ng singing competition na Tawag ng Tanghalan at nakapagtala ng national TV rating na 19.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Mas mataas ito kompara sa nakamit na 15.9% ng katapat nitong programang Eat Bulaga! na nagdiwang ng unang anniversary ng AlDub. Mas marami pa ngang sorpresa ang ihahain ng pinakapinag-uusapang singing competition sa tanghali sa pagdating ni Jaya bilang karagdagan sa mga respetadong hurado ng patimpalak na siguradong pakaaabangan ng mga manonood. Saan nga ba magmumula ang pinakaunang kampeon ng Tawag ng Tanghalan? Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang Tawag ng Tanghalan, sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa TawagNgTanghalan.abs-cbn.com/livestream tuwing tanghali at i-follow ito sa Twitter (@TNTABSCBN) at sa instagram (@TawagNgTanghalan). I-like din ang Facebook page nito safacebook.com/TawagNgTanghalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …