Monday , November 18 2024

Bistek, ‘di nakadalo sa pa-birthday treat sa entertainment press

FOR three consecutive years now ay nagbibigay si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng birthday treat sa entertainment media by batch.

At the Romnick Sarmenta and Harlene Bautista-owned Salu Filipino restaurant ginanap noong Sabado ang pabertdey ni Bistek para sa mga nagdiwang ng kaarawan from April to July.

Ang parang-‘di-tumatandang si Bebe (Harlene) ang aligagang nag-eestima sa press, but moments later ay dumating din ang kanyang kapatid na si QC Councilor Hero minus Bistek.

Seated at the table na inookupahan nina Ricky Lo at Lolit Solis, biro ng huli on Herbert’s absence, ”Nakooo, if I know, kaya wala rito si Mayor Herbert, eh, dahil pinigilan siyang um-attend ni Kris Aquino. For sure, sinabi ni Kris sa kanya na, ‘Don’t go na lang there, the press will make intriga about you!’”

Anyway, as in every year ay touched ang press sa thoughtful gesture na ito ni Bistek whose heart—kahit nasa larangan na siya ng politika—belongs to showbiz.

The night before that birthday treat ay kabilang naman si Tates Gana sa mga panauhin ni Cristy Fermin na nakisaya kasama ang mga suki ng programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko. Itinaon na ring advance birthday celebration na rin kasi ‘yon ni Tita Cristy.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *