Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buboy at non-showbiz GF, nagli-live-in na?

NAGULAT kami kay Buboy Villar, noong makita namin siya roon sa  launching, inamin niyang nagulat lang ang pamilya ng kanyang girlfriend nang ma-post sa social media ang tungkol sa kanilang relasyon, pero wala naman daw problema. Bigla pa niyang sinabi, ”in fact kasama ko siya ngayon.” Sabay turo nga sa Tisay na si Angillyn Serrano Gorens.

Umalis na rin daw si Angillyn sa bahay nila, at sa tono ng pananalita, mukhang kasama na siya ni Buboy. Pero hindi naman nila diretsahang inamin iyon.

Nang maghanap pa kami kung may iba pang detalyeng malalaman tungkol kay Angillyn, nakita namin ang kanyang Instagram account na  siya mismo ang nag-post ng picture nila ni Buboy na tinawag niyang ”my love”. May isa pa siyang post na nagsasabing kung maaari, huwag nang pakialaman pa ng ibang tao ang kanilang relasyon ng kanyang boyfriend, kasi nakagugulo lang sila. Sinabi rin niya na walang pakialam kahit na sino sa kanilang relasyon.

Matindi iyon ha. Ibig sabihin, handa si Angillyn na talikuran ang lahat, maging ang kanyang pamilya dahil sa relasyon nila ni Buboy. Pinayagan naman daw ng nanay ni Angillyn si Buboy na manligaw sa dalaga, pero sinabing huwag munang masyadong seryosohin iyon dahil mga bata pa naman sila. Nagulat na lang daw ang ina ng babae nang malamang seryoso na ang kanilang relasyon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …