Thursday , December 26 2024

Aiko Melendez, humahataw ang showbiz career!

00 Alam mo na NonieKALIWA’T kanan ang projects na pinagkaka-abalahan ngayon ni Aiko Melendez. Bukod sa mainstream movie with Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mula Star Cinema, may bagong TV series din siya at mga tinatapos na indie films.

Kabilang dito ang Balatkayo ng BG Productions International at Tell Me About Your Dream, katambal si Raymond Cabral. Ito’y sa ilalim ng Golden Tiger Films na pag-aari ni Ms. Tess Gutierrez at pamamahalaan ni Direk Anthony Hernandez. Isasali ang naturang proyekto sa film festivals sa Sydney, Australia at Orange Film Festival sa Turkey.

Ano role niya sa pelikula? “I played the role of Divina, teacher ako rito na dedicated sa trabaho, na even my own kids ay talagang minsan ay nag-suffer dahil sa sobrang pagiging dedicated ko bilang teacher.

“Nang time na nag-decide akong magbalik sa teaching sa mga Aeta, sa mga bundok-bundok iyon e, mayroon akong isang estudyante na naaksidente. Doon na iikot ang story, hanggang sa natanggal ako bilang teacher, na-depress ako and then something will happen in the end.

“But ang moral of the story, at the end of the day ay bayani talaga ang mga teacher. Iyon ang makikita rito dahil yung love and dedications nila, kahit hindi nila kamag-anak o kaano-ano, iyong pagmamahal nila, they will give it kahit walang monetary in return,” saad ni Aiko na sobra ang laki nang ipinayat ngayon.

Mula nang nagbida siya sa Asintado ni Direk Louie Ignacio na nanalo siyang Best Actress sa International Film Festival Manhattan 2015 at London International Filmmaker Festival of World Cinemas, sunod-sunod na indie projects na ang ginawa niya. Kaya nabanggit niyang kahit maging abal sa TV at mainstream movies, game pa rin siya sa makabuluhang indie projects.

“Oo naman, kahit indie iyan at nagme-mainstream din ako, hindi ko iyan tatanggihan at lalong hindi ko mamaliitin. Kasi ang indie, hindi lang dito sa atin napapanood kundi maging sa ibang bansa. Then, I brought home already an honor and prestige not only for myself but for our country. When you are representing your country, mas iba ang feeling niyon at iba ang kasiyahan, e.

“So, hindi ko tatanggihan ang mga indie projects basta maganda iyong role at ‘yung role is something that will show my talent as an actress, I will accept.

Idinagdag pa ng aktres na iba ang nararamdaman niyang fulfillment kapag nakagagawa ng makabuluhang indie film. “It’s your dedication as an actress, sa iyong craft, iyong fulfillment, iba e. It’s priceless na siguro, it’s something na not even any mainstream can even compare how I feel.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *