Saturday , November 16 2024
arrest prison

3 rape suspects tiklo sa anti-drug ops sa Laguna (Sekyu sa UP Los Baños)

ARESTADO ang tatlong guwardiya ng UP Los Baños sa Laguna makaraan akusahan ng panggagahasa ng dalawang babae kabilang ang isang estudyate ng unibersidad.

Ayon sa ulat, magkahiwalay na hinalay ng mga suspek na sina Rodrico Landicho, Roberto Cañete, at Jayve Tayze, ang dalawang biktima na itinago sa pangalang Cathy at Edna.

Ayon kay Cathy, gabi noong Abril 28 habang naglalakad siya sa campus nang tutukan siya ng patalim at pinagsamantalahan ng tatlong guwardiya.

Habang sinabi ni Edna, naglalakad siya sa Brgy. Maahas noong hapon ng Hunyo 14 nang bigla siyang tinutukan ng patalim ng mga suspek at isinakay sa isang sasakyan saka inabuso.

Nahuli ang tatlo sa isang anti-drugs operation ng Los Baños Police nitong Biyernes ng gabi.

Nakuha sa kanila ang ilang baril, fragmentation grenade, balisong at pakete ng shabu.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa tatlo, nabatid na sangkot sila sa panggagahasa sa dalawang biktima.

Hinikayat ng pulisya ang iba pang naging biktima ng tatlong guwardiya na magtungo sa kanilang tanggapan para magsampa ng kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *