Saturday , November 16 2024

Pagkuha ng building permit mas mapapabilis na sa QC

MARIING iminungkuhi ng Quezon City Office of the Building Official (OBO) na ang mabilis na paraan sa pag-iisyu ng building permits ay dapat tiyakin ang kaligtasan nito ng kanilang counterparts na mga professional na engineers.

Nabatid kay Isagani Verzosa, chief ng Quezon City Office of the Building Official (OBO) ang naturang panukala ay umani ng positibong reaksiyon sa nakaraang meeting Department of Public Works and Highways (DPWH) officer-in-charge (OIC) Rafael “Pye” Yabut.

Sa naturang meeting, ang mga engineer mula sa DPWH at OBO ay sumang-ayon na ang mga kasalukuyan building code na ginawa noong 1970 ay dapat nang amyendahan.

Ayon kay Verzosa sa naturang sistema papayagan ang engineers na may high standing at hindi matatawarang integridad  na mag-practice ng kanilang profession habang ang mga hindi karapat-dapat ay dapat disiplinahin ng PRC.

Nauna rito magugunitang inakusahan ng korupsyon ang Office of the Building Official (OBO) dahil sa mabagal na pagre-release ng building permits.

Bagamat inamin ni Verzosa, ang mabagal na proseso ng pagkuha ng building permit sa lungsod sinabi niya na hindi porket naisumite ang mga kaukulang dokumento ay agad mailalabas ang building permits dahil mahigpit pang tinitignan ng building official kung nasunod nga nito sa building code.

Ayon kay Verzosa, sa naturang sistema ang paglilipat ng building safety responsibilities sa mga  private professional na kinukuha ng mga building owners ay makatutulong nang malaki para mawala ang mga fixers at corrupt na OBO personnel.

Sinabi ng opisyal, ang pangunahing concern nila ay “safety” ng naturang gusali kung bakit tumatagal ang pagi-isyu ng building permit.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *