Monday , December 23 2024

Intel funds ng mayors, govs bubusisiin ni Duterte

071716_FRONT copy

BUBUSISIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang discretionary at intelligence funds ng local chief executives sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, bubuo siya ng special team para rebyuhin ang paggamit ng intelligence funds ng mga gobernador at mayor na siyang pinakamadaling ibulsa.

Ayon kay Duterte, kaya raw ang dumi ng Filipinas ay dahil walang ginagawa ang mga mayor sa garbage management at pinababayaan lamang ang pagbara ng mga dranaige system.

Imbes daw kasi na gamitin sa kapakanan ng kababayan ang pondo ng munisipalidad, ipinambibili ito ng mga mayor ng magagarang sasakyan at nagawa pang ipagyabang.

“At saka ang dumi ng Filipinas, the mayors are not doing anything. There is trash and garbage around and if you—you  have to wait  for the plastics to go inside the drainage so everytime there’s downfall, excessive rain, water nagka-clog. wala ‘yung— you know mayor, kayong mga mayor discretionary funds. Governors may discretionary funds kayo I will look into it. I will create a special team. I will review pati ‘yung intelligence funds ninyo, ‘yan ang pinakamadaling mapasok sa bulsa. ‘Yung mga mayor  na hindi performing, you make your city clean and peaceful kaya kayo bayad e, kaya kayo nasa opisina n’yo kakaganda,” ani Duterte.

GOV’T WORKERS SISIBAKIN SA SOBRANG LUNCH BREAK

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, tanggal agad sa trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na lumalagpas sa kanilang lunch break at tumatakas para mamasyal sa mga mall.

Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat isipin lagi ng mga manggagawa sa national at local government offices na binabayaran sila ng mga mamamayan para magtrabaho nang walong oras.

Ayon kay Duterte, ang mga empleyadong wala sa kanilang tanggapan pagkatapos ng lunch break at napatunayang pasyal-pasyal lang sa shopping malls ay tanggal agad sa trabaho.

Maituturing daw kasing estafa o swindling ang ganitong gawain at nakapaloob ito sa Article 8 ng Revised Penal Code.

“Technically, kayong mga taga-gobyerno, when you are not there to serve the people, you’re committing estafa. It’s not clearly defined but the act is actually swindling. It’s under Article 8 of the Revised Penal Code,” ani Duterte.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *