Sunday , November 24 2024

Natengga!

DATI-RATI, he was starring in one soap opera after another, in that network everybody would want to become an integral part of.

Looking back, he was not that young, must be in his early thirties, but he exuded manly appeal and innately sexy.

Honestly, he seemed so huge and so well endowed.

So huge and well endowed daw, o! Hahahahahahahahaha!

Anyway, during that time, sunod-sunod talaga ang kanyang soap opera na lead roles ang kanyang ginagampanan.

But for some reasons, his popularity had suddenly abated and faded.

Kung ano’ng bilis ng kanyang pasok sa network na ‘yun, ganon din ang bilis ng kanyang pagkawala.

Why is that so?

Basta ang napuna ng mga otaw ay unti-unti siyang na-demote from lead actor to major support, until finally, he was relegated to supporting roles and then oblivion.

Ang sabi, nag-away raw ang sexy actor at ang kanyang gay benefactor sa network and that proved to be his own undoing.

Sa ‘di malamang kadahilanan, na-turned off daw ang kanyang benefactor dahil naging demanding na ang aktor at marami nang ini-impose. Nang bitawan siyang bigla, parang nanguluntoy ang kanyang career hanggang tuluyan nang matuyot, until finally ay parang naglaho na siyang parang bula.

Kumbaga, there came a time when he was no longer visible sa mga network at paminsan-minsa’y lumalabas sa indie movie.

Sayang na career. Magandang lalaki pa naman at may ibubuga rin sa acting.

‘Yun nah!

GUSTO’Y MATURE ROLES NA

Nang mawala ang kanyang manager na si German Moreno, nawindang talaga si Jake Vargas.

Buti na lang at sinalo siya ng talent center ng GMA at so far, okay naman ang kanyang showbiz career.

Pero gustong i-repackage ni Jake ang kanyang career at mature roles na ang kanyang gampanan.

Gusto niyang mag-goodbye sa patweetums na role at sa mga seryosong roles naman mag-focus.

Alam naman kasi niyang hindi nagtatagal ang mga pa-sweet na aktor at ‘yung mga nagre-reinvent ang siyang nagkakaroon ng staying power.

Given the chance gusto niyang gumanap na tipong bad boy. Alam niyang may growth ang mga ganong papel kaysa maging perennial good boy na lang siya.

Hopefully, ma-achieve niya ito sa tulong ng GMA.

TOUCHING FINALE NG HANGGANG MAKITA KANG MULI NGAYONG BIYERNES NA

Saksihan ang pagwawakas ng Kapuso Afternoon Prime series na “Hanggang Makita Kang Muli” na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Bea Binene ngayong Biyernes, Hulyo 15.

Tampok sa seryeng ito ang nakaiintriga at kakaibang kuwento ng isang feral child na hindi nagkaroon ng ano mang human contact mula pagkabata.

Ayon kay Bea, pinaka-memorable para sa kanya ang pagganap sa karakter ni Ana na isang feral child. Kaya naman nagpapasalamat siya sa mga manonood at netizens sa suporta at positive feedback sa kanyang naging performance. Ito kasi ang itinuturing niyang most challenging role para sa kanya.

“Lahat masasabi ko po na memorable mula sa pagiging aso hanggang sa naging malinis at maayos ako. Hindi ko makakalimutan ‘yung feeling na hindi ko na kailangan pang mag-make up para maging feral child. Marami rin akong natutuhan sa show especially ‘yung hirap na pinagdaraanan ng isang feral child, hindi lang physically, psychologically, emotionally, etc. Kaya kailangan mas maging grateful tayo sa blessings na nasa atin kasi we’re very lucky. Kahit may problema tayo sa buhay ay meron pa rin palang mas worse pa ‘yung pinagdaraanan kaysa atin.”

Isang malaking karangalan naman para kay Derrick na gampanan ang role ni Calvin. Marami siyang natutuhan sa programa at umaasa siya na sa pamamagitan ng kanyang karakter ay nakapagbahagi siya ng mabubuting aral sa manonood partikular ang pagiging mahabagin at mabait sa kapwa.

‘Yung pagiging kind ni Calvin, especially sa creatures. Feeling ko naapektohan ko ‘yung tao kung paano maging kind-hearted sa mga creature na wala sa tamang pag-iisip. Feeling ko ‘yun ‘yung pinaramdam ko sa mga tao. At sana ‘yun ‘yung na-feel nila.”

At sa pagtatapos ng serye, matuloy na kaya ang pinakaaasam na pagkikita nina Ana at ng kanyang mga magulang na sina Evelyn (Angelika dela Cruz) at Larry (Raymart Santiago)? Hanggang saan aabot ang kasamaan ni Odessa (Ina Feleo)?

Pakatutukan ang huling Biyernes ng Hanggang Makita Kang Muli pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *