Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, pinaiyak si Donita Nose

MAPAGMAHAL talaga si Willie Revillame sa mga nagiging tauhan niya sa Wowowin.

Hindi agrayado ang sinuman sa mga staff niya. Kaparis na lamang noong mag-birthday ang komedyanteng singer na si Donita Nose. Mistulang may concert ito na kumanta ng tatlong beses sa Wowowin.

Walang pakialam si Willie kahit kumain ng maraming oras ang ginawang pagkanta ni Donita na ipinagawa pa ng red gown mula sa isang pamosong couturier na gumagawa ng mga gown ng beauty queen.

Hindi akalain ni Donita na masisira ang poise n’ya nang ipakita ss screen ang mga kaibigan niyang bumabati sa kanya.  Nang ipakita na ang picture ng Nanay ni Donita, humagulgol ito ng iyak. Nakalimutan niyang nasa harap ng kamera dahil iyak to the max talaga siya.

Well, knowing Willie na maka-nanay din, pinaligaya niya si Donita. Humahanga kami sa Kapuso hindi sila maramot lalo sa mga nakatutulong sa programa nila.

Malapit nang pumunta ng Abu Dhabi ang grupong Wowowin para magpakalat ng jacket at mamudmod ng pera sa mga OFW.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …