WHAT’S wrong kaya sa pamamalakad ng GMA Artist Center?
Pagkatapos bang bakantehin ni Ida Ramos-Henares ang puwesto roon ay may iginanda na ba ang pamumuno ni Simon Ferrer?
Sa isang nakaraang awards night kasi ay muling nakiusap ang isang miyembro ng award-giving body nito na kung maaari’y sumipot si Martin del Rosario sa gabi ng parangal. Si Martin kasi ang nanalong best supporting actor noong isang taon at bilang bahagi ng nakasanayan ng tradisyon, ipapasa ng last year’s winner ang tropeo sa mananalo ngayong taong ito.
Dahil si Simon ang head ng GMA Artist Center, marapat lang na dumaan sa kanya ang imbitasyon para sa pag-attend ni Martin na ipapasa naman kay LJ Reyes (na nanalong best supporting actress). Kaso, ayaw pumayag ni Simon na kung ano-ano ang ikinakatwiran.
Ito ang maliwanag na kaibahan ng departamentong ‘yon sa counterpart nito saABS-CBN. Wala kasing maraming arte ang pamunuan ng talent center ng Dos, bagkus ay alam nilang kabahagi sila ng karangalang ipinagkakaloob sa kanilang mga artista whether or not Star Cinema o hindi ang produksiyong nagprodyus ng pelikula.
Tulad ng alam ng lahat, nasungkit ni John Lloyd Cruz ang best actor for Honor Thy Father na hindi prodyus ng Star Cinema, yet present si JLC para tanggapin ang award.
Nang makarating nga sa amin ang pag-iinarte ng GMA Artist Center, our apologies to Ferrer pero hindi namin siya kilala. Kahit noong nasa GMA pa kami, walang tunog ng kampana ang kanyang pangalan.
No wonder, marami sa mga artista ng GMA ang napag-iiwanan sa karera ng kasikatan at kakayahan. Mas marami pa kasi roon ang walang trabaho. Kung aktibo man, mga sertipikadong da who!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III