KALABOSO ang isang 47-anyos bading makaraan pagparausan ang isang 13-anyos binatilyo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Ruben Indelibre, manikyurista, residente ng Abes Compound, PNR Brgy. 5, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610 (Child Abuse)
Batay sa ulat ni PO1 Julita Dabu, dakong 2:45 p.m. nang maganap ang insidente sa loob na bahay ng suspek sa nasabing lugar.
Salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Toto, nag-aaral sa Andres Bonifacio Elementary School, at residente ng Brgy. 1 Sangandaan, natutulosiya nang hubaran na pantalon ng suspek at siya ay ginahasa.
“Nakatulog ang binatilyo sa loob ng silid habang masayang nakikipagkuwentuhan ang ina sa matagal na niyang kaibigan,” sabi ng pulisya.
Bunsod nito, inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.
( ROMMEL SALES )